Dahil sa Softdrinks, Nanay, Nginudngod ng kanyang anak

453

Nagharap ang mag-ina sa programang Raffy Tulfo in action matapos ireklamo ng nanay ang anak dahil sa hindi umano nagbibigay ng sustento ang anak para sa kanyang dalawang anak na inihabilin sa kanya.

Ayon kay nanay Elena de Guzman, 63 anyos, nais lamang niya na regular na magbigay sustento ang anak na si Analyn Rivera para sa dalawang anak na nasa kanyang poder.

Ilang taon na rin umano na hindi na ito nagbigay at kung sakaling magbigay man ay kulang pa para sa gastusin sa kanyang mga apo.

Paliwanag naman ni Analyn, nagbibigay siya ng pera kapag humihingi ng pera ang mga anak.

Nangyari pala ay deretcho na ang kanyang padalang pera sa kanyang mga anak.

Sa kanilang pag-uusap ay napagtanto ni Tulfo na may mali at kakulangan si Analyn para sa kanyang mga anak.

Para kay Tulfo, mali ang ginawa niyang pagpapadala ng pera mismo sa mga anak. Dapat sa kanyang ina umano nito ibinibigay ang pangtustos sa kanyang mga anak dahil mas may alam ito sa gastusin sa bahay.

Pansin rin ni Tulfo, pangiti-ngiti na lamang si nanay Elena sa mga paliwanag ng kanyang anak habang umiiyak ang huli. Ayon kya nanay, naubos na ang kanyang luha a tayaw na niyang umiyak ulit dhail sa kanyang anak.

Panoorin ang unang paghaharap ng mag-ina:

Sa pangalawang yugto ng pag-uusap ng mag-ina ay batid ni Tulfo na hindi talaga magkakasundo ang mag-ina dahil saad ng matanda na hindi na niya mapapatawad ang anak.

Sa tanong kung ano ang mabigat na ginawa ng anak, ibinulgar ni nanay na hinila ni Analyn ang kanyang buhok at nginudnod niya sa lupa ng dahil lang sa alitan nila sa softdrink.

Mula maliliit pa daw ang kanyang mga apo ay nasa poder na niya ito, ang nais lang niya ay suportahan ng regular ni Analyn ang mga anak.

Handa rin umano siya ibigay ang mga apo kung ito ang nanaisin ng mga bata.

Kwento ni Analyn, nag-OFW siya para may perang pangtustos sa kanyang pamilya at hindi lang niya natapos ang kontrata ay dahil na rape umano siya ng kanyang amo sa Saudi.

Ngunit tila hindi naniniwala si nanay sa lahat ng sinasabi ng anak dahil sinungaling umano ito.

Nabulgar rin na nagbibigay aliw sa mga kalalakihan si Analyn dahil malaki umano ang kita niya doon at upang may maibigay na pera.

Tila malalim na ang hidwaan ng mag-ina kaya ganoon na lamang ang galit ni nanay Elena sa kanyang anak.

Kaya naman napagdesisyonan ni Tulfo na ang DSWD na ang bahala upang maayos ang ang kasunduan nila tungkol sa mga bata.

Abangan muli ang karugtong na kwento tungkol sa masalimoot na alitan ng mag-ina.

Panoorin ang part 2:

Facebook Comments