Congrats Son! Proud tatay, ipinaskil sa kanilang gate ang sulat kamay na pagbati sa anak na pumasa ng board exam

Sadyang walang masidlan ng saya ang nararamdaman ng mga magulang kapag nakapasa sa pagsusulit o kaya’y may nakamit na karangalan ang kanilang mga anak.

Gaya na lamang ng tatay ni Romerson Nanao kung saan proud na proud ang kanyang ama matapos siyang pumasa sa Engineering licensure exam.

Sa viral post ni Romerson, damang-dama ng mga netizen na maligayang-maligaya at proud pa ang tatay niya sa kanya.

Photo courtesy: Romerson Nanao/ Twitter

Gamit ang karton at pentelpen, ipinaskil sa harap ng kanilang gate ng ama ni Romerson ang mga katagang “Congrats Son! Engr. Romerson Nanao #4143- Passed”

Labis namang nagpapasalamat si Romerson sa pabati ng kanyang ama.

Sa simpleng pagbati lamang nito ay ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang tatay para sa kanya.

Photo courtesy: Romerson Nanao/ Twitter

Samantala, naantig naman ang damdamin ng mga netizen sa ginawang effort ng tatay ni Romerson. Batid rin nila ang sayang nararamdaman nito para sa anak.

Isang karangalan na para sa mga magulang ang makapagpatapos sila ng kanilang mga anak. At mas higit pa sa kasiyahan kung nakapasa rin ito board exam ang mga ito.

Ang viral post ni Romerson ay umani na ng mahigit 10,000 shares sa social media.

Loading...