Bulag na lola sa Sultan Kudarat, mag-isang binubuhay ang sarili matapos iwanan ng kanyang Asawa

Isang matandang bulag sa Sultan Kudarat ang pumukaw ng atensyon sa mga netizen dahil sa kalagayan nito.

Viral ngayon ang isang lola matapos ibahagi ng isang netizen na namumuhay lang umano mag-isa ang matanda.

Sa larawan makikitang nakatira sa isang maliit na kubo ang lola. Habang sa loob ng bahay ay makikita ang nakakalungkot na kalagayan ng matanda.

Maraming netizen ang naantig ang damdamin dahil sa kalagayan ng lola.

Ayon sa post ng kapitbahay, naaawa umano siya sa sitwasyon ng matanda kaya nais niyang matulungan ito at makahingi ng tulong sa publiko.

Kasalukuyang nasa Pinaring, Sultan Kudarat nakatira si lola. Kwento niya, wala ng pamilya o kamag-anak man lang ang matanda na maaaring mag-alaga sa kaniya kaya namumuhay na siyang mag-isa ngayon.

Ang nakakalungkot lamang ay walang mag-aaruga sa matanda lalo na at nagsakit ito. Kaya nang bisitahin ng kapitbahay si lola ay binigyan niya ito ng makakain.

Nanawagan rin siya sa social media ng tulong upang may pagkain at gamot si lola.

Basahin ang buong post:

“Share ko lang po nag iisang matanda sa likod ng bahay namin bago lang kami sa Pinaring kaya ngayon ko lang napansin ang matanda, pinuntahan ko binigyan ng makain dahil hindi pa dwa kumakain.

Hindi na po siya mkakita at walang kamag anak iniwan daw ng asawa niya. Akala ko sa facebook lang ako makakita ng ganito. Sana matulungan ng DSWD.

Pa share lng po mga pagari ko. Baka may gustong magbigay ng tulong jan pwede nyo po siyang puntahan. Location, PINARING SULTAN KUDARAT MAG. Dela torre po”

Loading...