Broner, iginiit na tinalo si Pacman: ‘Everybody out there knows I beat him’

Matapos ang labanang Manny Pacquiao at Adrien Broner  nitong Linggo, umalma si Broner sa naging resulta ng laban.

Reklamo ni Broner na nanalo umano siya sa laban nila ni Pacman dahil mas lamang umano siya s apuntos kaysa katunggali.

Idineklara ng mga judges na panalo si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

“I beat him, everybody out there knows I beat him,” saad ni Broner.

“I controlled the fight, he was missing. I hit him clean more times. I clearly won the last seven rounds,” dagdag nito.

Nanatiling WBA welterweight champion si Pacman matapos niyang tagumpay na depensahan ang kanyang belt.

Ayon sa ringside punching stats, nakatama si Pacquiao ng 112 of 568 pounds. Samantalang si Broner ay may 295 punches at nakatama lang ng 50.

Saad naman ni Showtime announcer Jim Gray kay Broner na
8 punches lang ang pumapasok sa kanyang mga punches.

“It already sounds like you’re against me,” tila asar na sagot ni Broner kay Gray.

Banat pa ni Broner, “Y’all know I beat that boy. They’re trying to get that money again, with Pacquiao and Floyd.”

Samantala, nanood naman si Mayweather sa laban.

Nagpasaring naman si Mayweather tungkol sa posiblen rematch nila ni Pacman.

“You keep asking me about Manny Pacquiao. He needs to get past Adrien Broner first. And right now I’m living a happy and healthy life,” saad nito noong hindi pa natatapos ang laban.

Source: Spin

Loading...