Brief na may picture ni GF, patok online

Viral online ang post na ibinahagi ng isang netizen dahil sa kakaibang regalong kanyang natanggap mula sa kanyang kasintahan.

Sa larawang ibinahagi ni Jhamn Kathe Ruflo Lagmay, makikita ang tatlong salawal na may iba’t-ibang kulay na may larawan ng isang babae.

Napasalamat si Jhamn sa regalong ibinigay ng kanyang nobya. Kwento niya, sinadya daw itong lagyan ng kanyang nobya dahil sakaling magloko daw siya ay mag-aatubili ang babaing makakakita nito.

Photo courtesy: Jhamn Kathe Ruflo Lagmay/ Facebook

Nababatid naman na natuwa si Jhamn sa kanyang natanggap at proud pa dahil ibinahagi pa niya ito sa social media.

“Hi love??❤️ Thankyou sa gift mo?? lupit mo talaga magisip love wala akong masabi hehe? epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh??
ps. Kaya daw nya pinaprint yung mukha nya para daw kung sakaling magloko ako mahihiya daw ung babae kasi makikita daw ung brief ko na may mukha nya? #bestgfever”

Photo courtesy: Jhamn Kathe Ruflo Lagmay/ Facebook
Photo courtesy: Jhamn Kathe Ruflo Lagmay/ Facebook

Naging kumpulan naman ng biro ang nasabing post at maraming netizen ang natuwa rito. Kaya as of posting ay umabot na sa 11,000 reaction at 19,000 of share ang post.

Biro ni netizen Kate Dominique, “Picturan mo naman ung suot mo na.”

Saad ni Mhay Perez, “#kmjs na yan hahahaha.”

Dagdag ni Rizza Mae Muleta Catalan, “Cute ?❤”

Loading...