Binatilyo, pumanaw dahil umano sa sobrang stress at puyat sa paglalaro ng online games

Usap-usapan online ang pagpanaw ng 15 anyos na binatilyo kung saan nasobrahan umano ito sa kakalaro ng online games.

Viral ang post ni netizen JPrincess Toquero kung saan ibinahagi niya na ang dahilan sa pagkasawi ni Brent Dumaque ay dahil sa sobrang puyat sa kakalaro ng online games.

Kwento niya, umaabot na ng madaling araw kakalaro ang binatilyo. Umiinom rin umano ito ng kape kada alas tres ng madaling araw upang maipagpatuloy ang paglalaro.

Palagi rin daw itong nagpupuyat at nakatutok lang lagi sa kanyang gadget.

Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa online games. Kahit mga may edad ay naglalaro rin nito.

Ngunit ang sobrang paglalaro ay hindi mabuti para sa katawan. Ito na marahil ang resulta sa nangyari kay Dumaque.

Ayon naman sa ina ng binata, may aneurysm ito ng hindi nila nalalaman. Dahil rin sa puyat at stress kaya pumutok ang ugat sa ulo na ikinasawi nito.

Ayon sa doktor, ang sanhi ng pagkam4t4y ng binata ay dahil sa ruptured arteriovenous malformation (AVM).

Pinabulaanan naman ng ina ni Brent ang kumakalat na kwento. Hindi umano totoong umabot ito ng 3 AM at nagkakape pa. Kaya naman labis na nasasaktan ang kanilang pamilya dahil sa maling impormasyon na kumakalat online.

Samantala, nagbigay rin ng payo ang nanay ng binatilyo. Aniya, dapat mangalagaan natin ang ating kalusugan at iwasang maglalabad ng labis sa paggamit ng gadget.

Basahin ang buong pahayag ng nanay ni Brent:

Loading...