Ben Tulfo, binanatan si Bautista: “Ang kakapal! Tsong, daig mo pa si Padre Damaso”

3262

Bumuwelta si Broadcaster Ben Tulfo kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista matapos magbigay ng huli ng kondisyon bago umano nito tanggapin ang kapatawaran ni Erwin Tulfo.

Nagalit ang kapatid ni Ernwin na si Ben Tulfo kay Bautista matapos mag-demand ng public apology sa lahat ng media platforms at donasyon na hindi bababa sa P300,000 sa 19 organisasyon na kinabibilangan nito bago tanggapin ang paumanhin ni Erwin.

Napamura si Ben Tulfo na kung bakit pa kailangan manghingi ng kapatid sa social media.

Saad rin niya, ‘butaw’ na P300,000 pa ang kinakailangan para mahugasan ang kasalanan ng kanyang kapatid at inihalintulad pa niya si Bautista kay Padre Damaso.

“P***** na ‘brotherhood’! Ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. ‘BUTAW’ na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan,” sabi ni Ben Tulfo.

“Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?!” dagdag pa niya.

Samantala, sa isa pang post ni Ben sa social media. Binanatan niya uli ang mga sangkot sa isyu.

“Sa palagay niyo kaya mananahimik lang ako’t hahayaan ko ‘tong mga kumag, kenkoy at kolokoy na maghari-harian?” saad ni Ben Tulfo.

“Patikim ko ng konting sapak nang matauhan at magisip-isip. Hindi lang sila ang may mga b****. Pare-pareho tayong may mga b****, ‘wag na tayong maglokohan pa!” dagdag pa nito.

Nitong Biyernes, binasag na ni Bautista ang kanyang pananahimik sa isyu nila ni Erwin Tulfo. Ngunit nagbigay siya ng mga kondisyon tulad ng public apology at P300,000 donasyon sa mga piling institusyon bilang danyos.

Humingi na rin ng tawad si Erwin Tulfo sa kanyang nasabi matapos sila tanggalan ng security escorts magkakapatid.

Kasunod nito, pinapasuko na rin ang mga baril ni Erwin dahil napaso na umano ang license to own and possess firearms (LTOPF) nito.

Facebook Comments