Batas sa pagbuo ng National Commission of Senior Citizens, pirmado ni Pangulong Duterte

1925

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbubuo sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) upang siguraduhing matutupad lahat ng layunin at programa para sa mga matatanda.

Ayon sa Republic Act No. 11350, ang NCSC ay nasa ilalim ng Office of the President.

Sa bagong batas, magiging P1,000 kada buwan ang pensiyon na ibibigay sa mga mahihirap na senior citizen mula P500.

Magkakaroon ito ng chairperson bilang chief executive officer at anim na commissioners at magkakaroon rin ng principal office sa National Capital Region at iba pang field offices.

Layunin ng komisyong ipatupad ang mga batas na para sa senior citizens at bumuo ng mga polisiya para isulong ang kapakanan nila.

Ayon pa sa batas na binubuwag na ang National Coordinating and Monitoring Board at ang paglilipat ng ilang functions o trabaho ng DSWD para sa senior citizens sa bagong commission.

Basahin ang buong batas na nilagdaan ni Panulong Duterte:

Panukalang batas na layong magtatag ng National Commission of Senior Citizens, nilagdaan na ni Pang. Rodrigo Duterte

Magiging katawan rin ito sa international functions, conferences at iba pang mga programna para sa senior citizens.

“Filipinos have close family ties and the senior members of the family continue to support and provide for the family as long as they can. In this way, they find a strong sense of purpose, importance and fulfillment in this latter part of their lives,” sang-ayon ni Sotto sa panukalang batas.

“Also, being able to take care of themselves and not be a burden to their family brings them pride and self-actualization,” dagdag nito.

Facebook Comments