Batang tapat, nagsauli ng pouch na may lamang P32k na pera

Hinahangan ngayon online ang isang batang lalaki matapos isauli nito sa may-ari ang pouch na may lamang pera at dokumento.

Napabilib ang mga netizen dahil pagiging tapat ng 9 anyos na batang si Gernan Garcia kung saan ang pitaka ay may lamang P32,000 na pera.

Ayon sa panayam kay PNP Ifugao Alfonso Lista, napulot ni Gernan ang pouch ng babaeng may-ari habang papauwi.

Hindi naman nagdalawang-isip ang bata at humingi ng tulong sa kapulisan upang maibalik sa may-ari ang pera at gamit.

Photo courtesy: PNP Ifugao Alfonso Lista /Facebook

Kaya naman laking pasasalamat ng may-ari sa bata dahil naibalik sa kaniya ang pera at ang mga gamit na may mga importanteng dokumento.

Binigyan naman ng may-ari ng pera ang bata bilang pasasalamat sa kabaitan nito.

Pinuri rin niya ang mga magulang nito dahil sa pagpapalaki ng maayos sa bata.

Loading...