Batang nagtitinda ng sampagita, nilibre ng pagkain at pinakyaw ang kanyang paninda ng dalawang lalaki

Pinusuan ng mga netizen ang nakakaantig na video matapos ilibre ng pagkain ng dalawang lalaki ang isang batang lalaki na nagtitinda ng sampagita. Natuwa ang marami ng mapanood ang kabutihan ng dalawa dahil bukod sa pinakain nila ang bata ay pinakyaw na rin nila ang natitirang sampagita nito.

Sa video na ibinahagi ni netizen Marki Tan sa Tiktok, umani agad ito ng maraming views at positibong reaksyon mula sa mga netizen.

Habang kumakain sila Tan sa isang karenderia, lumapit ang isang batang lalaki sa kanila na nagtitinda ng sampagita. Ang video ay nagsimula ng inaya nila ang bata na sumabay sa kanila ng hapunan. Tila nagdadalawang isip pa ang bata sa pagsabay sa kanila ngunit agad nila itong pinapili ng pagkain.

Credit: Marki Tan / TikTok

Nabigl4 sila at ang mga netizen ng gulay lamang ang in-order ng bata. Nagtanong pa ang lalaking nag-video kung gusto ba nito ng karne na ulam, ngunit umayaw ang bata.

Napabilib rin sila dahil mahilig itong kumain ng gulay. Kadalasang mga bata ay ayaw na ayaw pa naman na gulay ang ulam.

Walang anumang detalye tungkol sa bata ngunit batay sa video ay nag-aaral ito at nasa grade 4 na. Magiliw naman na kumakain ang bata at nakikipag-usap sa dalawang lalaki. Natuwa rin sila habang kausap ang bata.

Credit: Marki Tan / TikTok

Umabot na ng mahigit 400,000 ang nag-heart ng video. Nagpaabot rin ng panalangin at paghanga ang mga netizen sa bata. Nagpasalamat rin sila sa dalawang lalaki na tinulungan ang bata. Sa kanilang munting tulong ay malaking bagay na itong maituturing para sa bata.

Loading...