Batang lalaki, naglalako ng kabute kahit tirik ang araw para makatulong sa magulang

Marami ng bata ngayon ang mulat sa buhay dahil sa kahirapan. Kaya naman isang bata sa Cordillera ang naglalako ng kabute para makatulong sa kanyang magulang.

Ang Grade 10 student na si Jessie Almoza ay naglalako ng mga kabute upang matulungan ang magulang na kumita ng pera.

Kahit tirik ang araw ay inilalako ni Jessie ang kabute sa kalsada at nag-aabang ng mga motoristang nais bumili.

Imbes na paglalaro ang inaatupag ng bata ay paghahanapbuhay ang kanyang pinagkakaabalahan. Nais niyang matulungan ang kanyang pamilya na hikahos rin sa buhay lalo pa at may pand3mya ngayon.

Credits: TheLOStories / Facebook

Ang kanyang ama umano ay na-stroke na at tanging ina at kapatid nalang nagtatrabaho sa kanila.

Ang kanyang ina at kapatid ay gimigising ng maaga upang mangolekta ng kabute. Kapag marami nang nakuha ay si Jessie naman ang naglalako nito para mabenta.

Nakapwesto sa ang bata sa mainit na bahagi sa may Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Credits: TheLOStories / Facebook

Hinangaan naman si Jessie ng mga netizen dahil sa pagiging masipag at matiyaga nito.

Ang kinikita umano ng bata ay Ibinibigay niya sa kanyang magulang at ang natira ay iniipon niya para sa kanyang pag-aaral.

Dahil walang permanenteng trabaho ang pamilya kaya tumutulong muna ang bata habang may pand3mya pa.

Loading...