Batang estudyante na kumakain lamang ng kanin at walang ulam, umantig sa mga netizen

Dahil sa social meida marami ng samu’t saring kwento ang umantig sa damdamin ng publiko. Kaya naman dahil rito mas madaling natutulungan ang mga indibidwal na nangangailangan na atensyon medikal o pinansyal.

Kadalasan sa viral photo ay makikita na ang mga istorya ng bawat isa. Gaya na lamang ng isang batang estudyante kung saan kumakain ng walang ulam na nagdulot ng lungkot sa mga netizen.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ay agad na nag-trending online ang larawan ng isang babaeng estudyante habang kumakain sa loob ng silid-aralan dala ang sariling baonan.

Ang ikinaantig ng mga netizen sa bata ay dahil wala itong ulam man lang.

Maaaninag naman sa mukha ng bata na tila hindi naman niya alintana na wala siyang ulam.

Photo credit to the owner/ Facebook

Bumuhos naman ang papuri sa bata dahil sa kabila ng kawalan niya ng ulam ay magana pa rin itong kumakain.

Napahanga rin ang mga netizen dahil matiyaga pa rin itong nag-aaral kahit wala siyang ulam. Marahil hikahos sila sa buhay ngunit hindi ito hadlang upang siya’y makapag-aral.

Sa caption post ng D30 viral video and news, hinikayat nito ang mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral dahil maraming ibang bata sa bansa na hindi makapag-aral dahil lamang sa kawalan ng pera.

“Nakakaantig puso ang batang ito kumakain kahit walang ulam nagrereces din ng walang pera pero mas nakakabilib wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school kaya sa mga kabataan diyan sanay magbigay aral sa inyo ang larawang ito.”

Ang naturang post ay umabot na ng 27,000 shares 23,000 reactions.

Loading...