Batang breadwinner, doble-kayod para matustusan ang pamilya at maipagamot ang magulang

Sa halip na laro ang inaatupag ng isang batang lalaki, ay pagbabanay ng buto ang kanyang kinakaabalayan ngayon.

Nag-viral ang kwento ng insang batang lalaki kung saan siya ngayon ang breadwinner sa kanilang pamilya.

Sa murang edad ay napakalaki na ng pasan niyang responsibilidad ngunit dahil parehong may s4kit ang kanyang mga magulang ay wala siyang mapagpipilian.

Si Manny Samaa ay matiyagang nagtitinda ng mga walis, sponge, tabi at iba pang kagamitan sa bahay. Nilalako niya ang mga paninda sa mga barangay ng North Caloocan.

Credits: GMA Public Affairs /Facebook

Ngunit tuwing hapon hanggang gabi ay pagtitinda naman ng balot ang trabaho ni Manny.

Nilalako niya ito upang maubos ang kanuang paninda. Mas naging mahirap umano para kay Manny ang pagtatrabaho lalo na noong nagpandemya na.

Naging matumal ang bentahan at nahihitapan siyang matustusan ang kanyang pamilya. Ayon sa bata, iyon lang umano ang kaya niyang gawin para sa kanyang pamilya.

Credits: GMA Public Affairs /Facebook

Masaya na umano siya na nakikitang masaya rin ang kanyang mga magulang.

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako,” saad ni Manny.

Bagamat mahirap ay hindi sumuko si Manny sa hamon ng buhay. Nais niyang ipag4mot ang kanyang nanay na may s4kit at ang kanyang tatay naman ay baldad0 na.

Credits: GMA Public Affairs /Facebook

Kinurot naman ang puso ng mga netizen ng mabasa ang kwento ni Manny. Saad nila, mapalad ang mga taong hindi pinoproblema ang pagkain, may magandang trabaho at malusog na pangangatawan.

Kaya dapat umano na maging pamagpasalamat tayo sa lahat ng biyaya na ating natatanggap dahil marami sa ating mga kababayan ang hikahos sa buhay.

Credits: GMA Public Affairs /Facebook

Dumagsa naman ang tulong para kay Manny at marami ng nagpaabot ng pera upang matulungan ang kanilang pamilya at maipagamot ang kanyang nanay.

Loading...