Bata nalagay sa panganib matapos makakain ng wire mula sa strainer

Viral ngayon online ang mga larawan ng isang bata matapos umano nakakain ng maliit na wire mula sa strainer na ginamit ng kaniyang ina sa pagluluto ng pagkain.

Ang post ay ibinahagi ng Doctor Parenting at ang insidente ay nangyari sa Vietnam. Kung saan nakain ng bata ang maliit na wire matapos malaho ito sa kaniyang pagkain.

Photo courtesy: Doctor Parenting/Facebook

Nalagay sa kritikal ang buhay ng bata dahil bumara sa lalamunan nito ang kapirasong wire.

Nakita sa x-ray ang maliit na wire na bumara sa lalamunan ng bata.

Photo courtesy: Doctor Parenting/Facebook

Nang dahil lamang sa net filter na ginamit ng kaniyang ina ay nalagay sa panganib ang bata.

Samantala, ligtas naman ang bata at nakuha naman ng mga doktor ang wire na bumara sa lalamunan ng bata.

Photo courtesy: Doctor Parenting/Facebook
Photo courtesy: Doctor Parenting/Facebook

Kaya naman nagbigay payo ang Doctor Parenting na maingat ang mga magulang sa pagluluto at pagpapakain sa kanilang mga supling dahil baka ito pa ang magpahamak sa kanilang mga anak.

Marami namang netizens ang nabahala sa naturang post. Dahil rito ay naging aware ang publiko sa maaaring mangyari na nagsimula lang sa net filter.

Mainam na bago magpakain ng bata ay sinusuri ng magulang ang mga pagkaing ibinibigay sa mga anak o kaya’y palitan na ng bago ang mga sirang kagamitan na maaaring magdala ng kapahamakan sa mga bata.

Loading...