Barya lang po sa umaga! Community Pamasahe, inilunsad sa Quezon City

Viral ngayon ang community pamasahe sa Quezon City bilang tulong sa mga pasaherong wala pamasahe o kulang ng pamasahe.

Hinihikayat rin sa community pantry na ito na magbigay ang sinumang may sobrang barya.

Ang pamasahe pantry ay pinangunahan ni Albert Labrador. Saad niya na-inspire siya sa ideyang ito dahil kay singer-songwriter na si Gary Granada na may community pamasahe rin.

Photo courtesy: Albert Labrador /Facebook
Photo courtesy: Albert Labrador /Facebook

Dahil sa naglipanang community pantry ay lumabas ang pagmamalasakit ng bawat isa. Marami na ring nagbigay ng tulongat natulungan dahil sa pantry.

Photo courtesy: Albert Labrador /Facebook

Makikita naman sa mga larawan ang mga baryang nasa isang plastic container. May konting naipon na rin sila at may ilang naglalagay roon ng barya.

Sa simpleng tulong na ito ay napakalaking tulong na ito sa mga higit na nangangailangan.

Loading...