Barangay Hall sa Iligan City nag-ala PBB house

Viral ngayon oline ang ala-Pinoy Big Brother na Barangay hall sa Iligan City.

Sa post ng ABS-CBN, makikita ang ala-PBB house na barangay hall ng San Miguel sa Iligan City.

Umagaw ng atensyon online ang larawan dahil sa disenyo ng barangay hall.

Hinango umano talaga ito sa PBB house at pinondohan pa nga daw ng P5 milyon ang pagpapatayo ng naturang gusali, ayon kay Iligan City Representative Frederick Siao.

Ang kulay at disenyo ng barangay ay kahawig rin sa PBB house. Mapapalingon talaga ang sinumang makakakita at mapagkakamalang ito ang bahay ni Kuya.

Naaliw naman ang mga netizen dahil sa disenyo ng barangay hall. Kakaiba kasi ito at aakalaing pasyalan lamang ito.

Loading...