Balut vendor na 5 taon nagtinda para makapag-aral, isang engineer na ngayon

Balut vendor noon, ngayon ay engineer na!

Masasabi ngang hindi hadlang ang kahirapan kapag may sipag at tiyaga. Iyan ay pinatunayan Engineer Benny Tomas mula Cagayan.

Isa ng ganap na Engineer si Benny nito lamang Setyembre 2021.

Dahil pangarap ni Benny na makapagtapos ng kolehiyo ay iginapang niya ang kanyang pag-aaral. Naging balut vendor siya ng limang taon Ilocos Sur habang nag-aaral sa University of Northern Philippines.

Nais niyang matulungan ang kanyang pamilya kaya sumugal si Benny na pumunta sa Ilocos kahit na walang kamag-anak o kakilala man lang.

Credit: Benny Tomas / Facebook

“Nung una na magtitinda ako, parang nahihiya ako. Parang binababa ko yung sarili ko, parang ganoon. Pero na-realize ko na pag ganito ang nagiging feeling ko, wala akong patutunguhan,” kwento ni Benny.

“Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor.”

Parehong magsasaka ang kanyang magulang at siya ay panglima sa siyam na magkakapatid. Tanging siya pa lang ang nakatapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid.

Naging inspirasyon niya ang hirap na pinagdadaanan ng kanyang pamilya para hindi sumuko sa kanyang pangarap.

“Mahirap po kasi pag tinatawagan ko kasi si Mama, wala po silang ulam. Umuutang na lang sila ganoon. Ang daming utang.”

“Pero someday, alam ko na mawawala lahat iyan.”

Noong dumating ang p4ndemya ay challenging ito para kay Benny. Nahirapan siyang makabenta at may takot rin na baka matamaan ng v!rus.

https://web.facebook.com/bnnyjs.tms

Ngunit mas kumapit pa si Benny sa Diyos at ipinagpatuloy ang kanyang nasimulan.

“Parang paulit-ulit, pero I received strength from God. Kaya pag lumalapit ako kay God, nari-renew ko yung strength.”

“Paminsan-minsan masaya, paminsan-minsan nahihirapan, ganoon.”

“Paminsan-minsan gusto ko nang sumuko, pero thank God hindi Niya ako pinabayaan,”dagdag pa niya. Nagbigay naman ng payo si Benny sa kabataang kagaya niya na nangangarap rin. Aniya,

“Magtiyaga lang kayo kahit anong hirap. Mahirap talaga ang buhay, pero pag may tiyaga, makakamit mo ang pangarap mo. Pray to the Lord.”

Congratulations, Engr. Benny!

Loading...