Bagong kasal, viral dahil sa kanilang mala-kapang pantomina money

Bahagi na nang tradisyon sa kasal ang “money dance,” o pagsasabit ng pera sa bagong kasal habang nagsasayaw.

Kaya naman napa-Sana all na naman ang mga netizen sa bagong kasal na sina Em Dizon Garcia at Myko Garcia dahil nagmistulang kapa lang naman ang pera na natanggap nila.

Ayon sa post, umabot ng P100,000 ang perang natanggap ng newly couple.

Sa mga larawan makikita ang tig-P500 na naka-kapa sa groom at tig P1,000 naman ang sa bride.

Ang money dance ay nagsisilbing regalo bilang panimula ng bagong mag-asawa. Kaya naman nakakamangha talaga kapag kagaya nila Mr. and Mrs. Garcia na makatanggap ng ganoong kalaking halaga.

Loading...