Babaeng bugbug-sarado ng dating asawa, lumaban, bumangon at nag-glow na ngayon

Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang babaeng minamaltr4to ng dating asawa. Ngunit matapos makawala rito at magbagong buhay ay nag-glow na ngayon.

Maraming netizen ang nagulat at namangha sa glow-up na nangyari kay Michelle.

Sa mga larawan na ibinahagi ng KMJS, makikita ang malaking kaibahan sa hitsura ni Michelle. Malayong-malayo ito sa dating kulay nito at hitsura.

Maitim at nanay na nanay ang hitsura ni Michelle noon. Samantalang ngayon ay maputi na ito ay mukhang dalaga pa.

Credits: KMJS/Facebook

Sa hitsura niya ngayon ay hindi mahahalatang maraming anak ito. At hindi rin mahahalata na bugbug-sarado ito ng kanyang mister noon.

Kwento niya, marami siya g pasa noon sa mukha. Sinusuntok rin siya sa sikmura at sinasakal rin umano.

Credits: KMJS/Facebook

Saad niya, kaya niya tinitiis iyon dahil ayaw niyang lumaki ang mga anak na walang ama. Ngunit nagbago iyon ng magsimula na umanong saktan ng dating mister ang kanilang mga anak.

Kwento pa niya, gumawa siya ng paraan upang makatakas sa mister. Nagdahilan umano siyang mag-aabroad.

Credits: KMJS/Facebook

Pinangakuan niya ang mister na ibibigay ang lahat ng gusto nito. Kaya naman napapayag niya ito.

Credits: KMJS/Facebook

Aniya, iniwan niya ang mga anak sa kanyang nanay. Matapos silang makatakas ay nagbagong buhay siya at sinimulan rin niyang ayusin ang kanyang sarili.

Loading...