Babae, viral matapos makita sa CCTV na nagpapahid ng laway sa mga gate sa Makati

Nananawagan ang isang netizen online na matukoy ang pagkakakilanlan ng isang babae matapos itong makitang nagpapahid ng kanyang laway sa gate ng mga kabahayan sa Makati.

Nangangamba ngayon ang netizen na si Mervin Madrid matapos niyang makita sa kanilang CCTV footage ang pagpapahid ng laway ng babae.

Aniya, natatakot sila na baka person under investigation (PUI) o kaya positibo ang babae sa COVID-19.

Idinulog na umano niya ang kanyang sumbong sa kanilang barangay ngunit sinabihan daw siya na mahihirapan silang kilalanin ito dahil malaki ang kinasasakupan ng Barangay Pembo sa Makati.

Paliwanag pa niya, mas nababahala siya na kung positibo man ang babae ay maaaring makahawa pa ito ng maraming tao.

Hindi man siya sigurado sa kanyang hinala ngunit nais rin niyang malaman ang intensyon ng babae kung bakit nito kailangan pang ipahid sa gate ang laway nito.

Kaya naman ibinahagi na ni Mervin sa social media ang video upang makapagbigay babala na rin sa publiko.

Basahin ang kanyang post:

Hi Guys!

Di po ako pala post ng ganto.

Sa mga kinauukulan po gusto po namin ipag bigay alam na kung sino po ang nakakakilala sa babaeng ito na nagkakalat po ng LAWAY di namin alam If may sakit po sya. What if PUI po sya, what if COVID POSTIVE po sya? Under cctv po nagpapahid po sya ng laway sa gate namin… And after po nagpahid din sya sa katapat naming bahay. WHAT IF KUNG SA IBANG BAHAY GINAWA RIN PO NYA YAN? ANO PO KAYANG PURPOSE NYA? Nag reklamo at pumunta na po ako sa baranggay PEMBO ang sabi lang po bat daw di namin tinawag yung babae sabi sa baranggay. Eh Bakit naman po namin tatawagin what if may covid po sya? For precautionary measures di namin tinawag. Kase may dalawa kaming SENIOR CITIZEN and TODDLER sa bahay. And next po bakit di daw kami tumawag sa BARANGGAY para ma respondehan agad. Kami mismo di na namin naabutan kasi nireview lang namin yung CCTV turned out ayan ang ginawa nya. And sabi rin po ng baranggay PEMBO “anlakilaki ng PEMBO paano namin mahahanap?” I know busy ang frontliners natin pero ang di nila pagbigay ng pansin dito ay pwedeng makapahamak sa ating lahat. so it means wala silang pake.

PLEASE SANA MAHANAP NA PO SYA.
SHE’S ALSO AT RISK FOR HER SAFETY.

STREET PO NAMIN IS. ASTER ST. ZONE 13 PEMBO MAKATI.

Please SHARE THIS GUYS AND STAY SAFE.
ALWAYS SANITIZE!

THANK YOU.

Samantala, makikita naman sa video ang akwal na pagpahid ng laway ng babae. Matapos nitong magpahid ay lumipat naman ito sa kabilang bahay upang pahiran ulit ng laway.

Panoorin ang buong video:

Loading...