Aspiring Teacher! LET passer, pumanaw isang araw pagkatapos lumabas ang resulta

Masaya na malungkot. Ganito mailalarawan ang kwento ni Jessa Ganigan, 20 anyos. Kung saan pumasa siya sa Licensure Exam for Teachers na idinaos noong Setyembre 2019.

Subalit napuno ng pangungulila ngayon ang pamilya ng dalaga dahil ilang araw pa lang matapos lumabas ang resulta ay pumanaw na rin ito dahil sa kanyang sakit.

Si Jessa ay may malubhang sakit. Na-diagnosed siya noong June 2018 na may stage 5 chronic kidney disease.

Mahigit isang taon ng nilalabanan ni Jessa ang kanyang sakit. Sa kabila ng karamdaman, ay nagsumikap siya na mag-review upang paghandaan ang pagsusulit.

Photo courtesy: Radyo Bandera/ Facebook

Ang kanyang ama ay isang magsasaka at ang kanyang nanay isa namang may-bahay. Ayon sa kanyang ina, siya ang nagpursige na maging guro ang anak dahil ito rin ang kanyang propesyon noon.

Kaya naman nakapagtapos si Jessa ng bachelor’s degree in secondary education at nais umano niyang magturo ng Technology and Livelihood Education (TLE).

Nagsumikap si Jessa sa pag-aaral habang nagpapa-dialysis rin siya dalawang beses sa isang linggo at binalak ding magpa-kidney transplant para tuluyang gumaling.

Photo courtesy: Radyo Bandera/ Facebook

Kahit umano may sakit ay tumutulong pa rin sa magulang si Jessa dahil nagbebenta ito ng isda, talaba at nagbabantay din sa kanilang flower shop.

Sobrang proud naman ng nanay ni Jessa sa kanya dahil sa kanyang pagiging matapang, palaban at determinasyon.

“I was very proud of her because of her braveness, [to have] a daughter with a strong fighting spirit and determination to fulfill her chosen course,” saad ni Melody Ganigan.

Photo courtesy: Radyo Bandera/ Facebook

Habang naka-confined siya ay lumabas naman ang resulta ng LET nitong December 1. Pinagawan siya ng congratulatory tarpaulin ng kanyang pamilya kung saan inilagay sa tabi ng kanyang hospital bed.

Binawian ng buhay si Jessa noong December 3. Nakakalungkot man ay masaya pa rin dahil natupad nito ang kanyang pangarap bago siya mawala.

Loading...