Asong naiwan sa Taal, nahukay nang buhay matapos ang 15 araw

Agad na nag-viral sa social media matapos i-upload ng isang netizen ang kaniyang alagang aso na nahukay niya sa kanilang bahay na natabunan ng abo ng Bulkan Taal.

Isang araw matapos ibahagi online ng isang residente ng Barangay Alas-as sa Batangas ang video, ay umani agad ito ng mahigit 18,000 shares at 47,000 reaction.

Lumipas ang labinlimang araw ay maswerte pang nabuhay ang alagang aso na nasa kahon lang nakalagay.

Dahil sa pagputok ng bulkan Taal, naiwan doon ang aso na walang kain at walang inom ng tubig.

Makikita sa video ang nakakaawang kalagayan ng aso kung saan pumayat na ito dahil sa sobrang gutom at uhaw nito.

Matapos nilang makuha ang aso ay pinainom agad nila ito ng tubig.

Ang video ay ibinahagi ni Germie Balba. Aniya, kapatid umano niya na si Jhay-R Balba ang may-ari ng asong iyon.

Sa kabutihang palad ay ligtas na ngayon sa panganib ang aso.

Panoorin ang video:

Loading...