Asong na-stuck mag-isa sa bubong, na-rescue na

Makalipas ang ilang oras matapos magviral ang larawan ng isang asong na trap sa bubong ay agad naman itong naisalba.

Sa post kanina ni Jhayvee Lhatina ay nakuhanan niya ng litrato ang isang aso na nasa bubong at mag-isa lamang sa San Mateo, Rizal..

Ayon sa kanyang post, “LUMALABAN DIN SILA PARA MABUHAY”. MAGING RESPONSABLENG MAY ARI PO TAYO.”

Umani ng maraming shares at komento ang naturang larawan dahil sa nakakaawang kalagayan ng aso.

Sanhi ng bagyong Ulysses ay umabot na hanggang bubong ang baha sa maraming bayan na apektado ng bagyo sa Luzon.

Photo courtesy of Jhayvee Lhatina

Dahil mabilis na kumakalat ang balita ngayon online ay agad namang nasalba ang aso.

Ayon sa post ni Larry Monserate Piojo, makikitang nasalba na ang aso at kasalukuyan na nitong kasama ang kanyang amo.

Natuwa naman ang mga netizen ng malaman ang magandang balita na ligtas na ang aso sa kapahamakan.

Umani ang larawan ng mahigit 34,000 shares sa loob lamang ng isang oras. Masasabi na maraming pinoy ang mapagmahal talaga sa mga alagang hayop.

Loading...