Anak, sinurpresa ng 2-storey house ang kanyang ina sa kaarawan nito

Nakakataba nga naman ng puso na magkaroon ng mapagmahal na anak. Ngunit wala nang hihigit pa sa kaligayahan ng magulang na makitang lumaking isang mabuting tao ang iyong anak. Bunos na lamang kung naging matagumpay sila sa buhay at nakakaangat rin.

Ang mga magulang ay hindi humihingi ng anumang kapalit sa mga anak sa pagpapalaki nila sa mga ito. Ngunit bilang anak ang simple at konting regalo para sa magulang lubos na nilang ikinakasaya.

Gaya ng netizen na si Ric ay dahil kaya naman niyang ibigay sa kanyang nanay ang malaking bahay. Pinaghandaan talaga niya ito bago niya sinurpresa ang ina sa kaarawan nito.

Credit: Ric / Facebook

Sa Facebook page na Home Buddies ay ibinahagi ang post ni Ric kung saan ipinakita niya ang kanilang selfie sa bahay ipinapatayo niya.

Saad niya, sinurpresa nila ang kanilang ina sa kaarawan nito at sinabing kakain lang sila sa labas. Nagtaka umano ito dahil sa isang subdivision sila pumasok at akala ay doon sila kakain.

“Flex ko lang ‘yung birthday surprise sa Nanay namin! Sabi namin mag-lunch lang somewhere pero nagulat siya sa subdivision kami pumasok, tapos wala naman siyang nakikitang restaurant,” aniya.

“Sabi pa niya: ‘May kumakain ba rito?’ HAHAHA! Ang kyut!”

Kwento niya, lagi daw siyang pinagsasabihan ng kaniyang ina na huwag na siyang puro gala at kumuha naman ng sariling bahay.

“I remember lagi niya ko sinasabihan na kumuha na ng sarili ko na bahay dahil I am not getting any younger. Inuna ko kasi ubusin ang probinsya sa Pilipinas #Project81. No regrets naman pero this time it means lesser travel na lang, hindi na once a month! HAHA!”

“Sabi nga nila, “Always Make Your Momma Proud!” #MYMP. Again, Happiest birthday, Nanay!”

Credit: Ric / Facebook

Ayon kay Ric, dahil sa pandemya ay nagawa niyang makapag-ipon dahil hindi na siya makagala. Kaya naman napahdesisyonan niyang tuparin ang hiling ng kniyang nanay na magbukod ng bahay.

“Sobrang tagal na kasi ko sinasabihan ni Nanay na bumili ng sarili kong bahay tapos bawasan yung travel. Hehe. So noong nag-pandemic, dahil wala rin masyadong travel, nakapag-save up at nag-decide kami na mag-invest.”

“The house and lot po is a pre-designed property by the developers. So sila na po bahala doon. I think one thing that come out good with this pandemic is that ‘yon nga po, nakapag-invest kami,” pahayag ni Ric.

Payo naman ni Ric sa mga anak na nais magregalo sa ka ilang ina ay hindi importante kung gaano ito kalaki o kaliit. Ang mahalaga ay iponagmamalaki ka ng iyong magulang.

“No matter how small or big po yung surprise, as long as it will make your parents proud, just do it!,” saad niya.

Loading...