Anak, pinagawan ng malaking bahay at ipinasyal abroad ang mga magulang na umampon sa kanya

Bilang ganti sa pagmamahal at kabaitan na kanyang natanggap mula sa mag-asawang kumupkop sa kanya, pinagawan ng malaking bahay at ipinasyal pa sa ibang bansa ni Jayvee Lazaro Badile II ang kanyang mga nakagisnang magulang.

Abot langit ang pasasalamat ni Jayvee sa kanyang mga magulang dahil kahit hikahos sila sa buhay at hindi siya tunay na anak ay hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa kanya.

Ngayong matagumpay na siya, ay isang bonggang regalo naman ang ibinigay niya sa kanyang mga magulang.

Kwento niya, dati umanong tindera at porter naman ang kanyang mga magulang. Ngayon na nakaahon na sila sa hirap ay sisiguraduhin niyang makakamit ng kanyang mga magulang ang dati ay sa panaginip lamang.

“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter.”

“Now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine. ❤️”

Photo courtesy: Jayvee Lazaro Badile II / Facebook

Napahanga ang mga netizen matapos ibahagi ni Jayvee ang larawan ng kanilang bahay na ipinatayo para sa mga magulang.

Sa post ni Jayvee, ipinakita niya ang kanilang nakaraang throwback photo at sa kasalukuyan.

Makikita na malaki na ang pinagbago nila. Noon na hirap pa sa buhay at ngayon na marangya na ang buhay.

Ibinahagi rin niya na ipinasyal niya sa Sydney, Australia ang mga magulang. Mula noon hanggang ngayon ay kita pa rin ang tuwa sa kanilang mga mukha.

Samantala, ipinakita rin ni Jayvee na nasa bagong bahay na sila nag-pasko. Na mas lalong ikinamangha ng mga netizen. Mula 2012 na sa barong-barong pa nilang tahanan, nitong 2019 ay nasa mala-mansion na sila nakatira.

Photo courtesy: Jayvee Lazaro Badile II / Facebook

“Merry Christmas from our family to yours!”

No one knows how happy I am now, to have all these fancy little things! Thank You, Lord for all the blessings! Happiest Birthday to Your Son Jesus Christ!,” saad ni Jayvee noong Pasko.

Samantala, may mini clip video rin siya kung saan isinalaysay niya ang kanilang kwento. Aniya, matagal na siyang namulat sa kahirapan. Noon, nangungupa pa sila ng bahay sa may Bocaue, Bulacan.

“Ang aming tahanan ay larawan ng kahirapan; larawan ng pamilyang nagsisikap na makamtan ang pangarap,” saad niya.

Bumuhos ang pamuri kay Jayvee dahil sa kanyang pagsusumikap ay guminhawa ang kanilang buhay. Hindi rin siya nakalimot na suklian ang kabutihan ng mga taong kumupkop sa kanya.

Panoorin ang video:

Loading...