Anak ng magsasaka, nakakuha ng full scholarship sa US dahil sa kanyang angking talino

Isang anak ng magsasaka mula Sigma, Capiz ang nakakuha ng full scholarship sa isa sa mga prestiheyosong skwelahan sa Amerika.

Labis na nabigla at natuwa ang estudyanteng si Aldrean Paul Alogon ng matanggap siya sa US liberal arts school Wesleyan University.

Isang pambihirang pagkakataon ito para kay Aldrean pili lamang ang nakakapasok sa paaralang iyon. At mapalad siya at napasama siya sa 11 “exceptionally able students” from certain Asian countries tulad ng—the People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, the Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Hindi makapaniwala kaagad ang binata dahil sa daming aplikante ay isa siya sa maswerteng napili. Kwento ni Aldrean, ang kanyang tatay Alner, isang magsasaka, ang nakasagot sa tawag at unang nakaalam sa magandang balita.

“Thankful po ako, very joyful kasi it was all-expenses paid. Wala nang babayaran ‘yung family ko… World-class education na nga tapos libre pa, win-win talaga,” saad niya.

Credit: Aldrean Paul Alogon / Facebook

Nakapagtapos siya sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus. Bilang isang anak ng magsasaka ay naging challenging umano na nakapag-aral siya sa Science High dahil ang una niya g inisip rito ay para ito sa mga estudyanteng matatalino at mayayaman.

Ngunit pinatunayan ni Aldrean sa pamamagitan ng kanyang angking galing at talino na ay maibubuga rin siya.

Ang naging inspirasyon niya sa kanyang pagsisikap ay ang kanyang namayapang ina na nawala noon pang 2015 dahil sa malubhang karamdaman.

“When she passed away I had to be very independent at saka very open-minded. My mother was very loving of her siblings. Sa anim sa kanila, siya lang ‘yung professional… nakuha ko po ‘yung mindset ng nanay ko na kailangan ko po maging selfless kasi napakarami na pong ibinigay sa akin ng Diyos. Biniyayaan ako nang marami,” saad ni Aldrean.

“Iniisip ko po lahat ng nangyayari sa akin hindi lang blessing sa akin kundi para ma-bless din po ‘yung iba,”dagdag niya.

Credit: Aldrean Paul Alogon / Facebook

Saad niya, pagbubutohan niya doon ang kanyang pag-aaral upang kapag nakabalik na siya ay marami siyang naibaong kaalaman at karanasan.

“I’m there to learn and I’m there to acquire knowledge to come back here… I’m thinking of becoming a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots.”

Ihahatid rin umano siya sa airport ng kanyang tatay Alner dahil iyon na ang magiging huli nilang pagkikita sa loob ng apat na taon.

“Excited na excited nga po siya. Kahit wala kaming pera, sasamahan niya raw po ako papuntang NAIA kasi last na daw namin ‘yung pagkikita in four years,” pahayag ni Aldrean.

Loading...