Anak ng magsasaka at tindera, nakakuha ng full scholarship sa Amherst College sa USA

Isang pinoy na naman ang nagpamalas ng kanyang talino ng makapasok siya sa isa sa mga prestiheyosong skwelahan sa buong mundo.

Si Gelbert Crecencio ay nakakuha ng full scholarship sa Amherst College sa Massachusetts sa Amerika.

Isang pambihirang pagkakataon ito para sa pinoy na si Gelbert dahil sa 5,000 umano na applikante ay napasama siya sa 118 na nakapasa rito.

Masayang masaya si Gelbert dahil pangarap niyang maging neuroscientist at neurosurgeon balang araw.

Credits: Gelbert Crecencio / Facebook

Ang kanyang ina ay isang tindera at kanyang ama ay isa namang magsasaka at tricycle driver.

Nang sumakabilang buhay ang kanyang lolo dahil sa sakit na Alzheim3r’s dis3ase, ito ang nagtulak na ipagpatuloy ang kanyang pangarap.

“Gusto ko sana i-integrate ’yung engineering science to create a device na makaka-detect ng early onset ng Alzheim3r’s dis3ase,” saad ni Gilbert

Credits: Gelbert Crecencio / Facebook

Dahil hindi kaya ng kanyang pamilya na pagparalin siya sa mahal na skwelahan, kaya niya naisipang mag apply sa Amherst College.

Matapos siya makapagtapos ng Senior high school at habang suma-sideline ng trabaho ay Nag-apply si Gelbert.

Hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Amherts bilang fulltime scholar. Ang tuition umano roon ay umaabot ng USD85,000 o katumbas ng P4 milyon at libre na rin ang board and lodging doon.

“First word ko po na nabasa is ’yung congratulations po, pero hindi ko na binasa lahat nung letter, tumakbo na lang po ako palabas ng bahay ’tsaka sinabihan ko yung mama ko tapos nag iyakan kami,” saad ni Gilbert

Credits: Gelbert Crecencio / Facebook

Sinuportahan naman si Gelbert ng kanyang nanay kahit na ma mi-miss nila ang anak dahil mawawalay ito sa kanila ng apat na taon. Saad naman ni Gelbert na plano niyang bumalik ng bansa kapag nakapagtapos na dahil konti lang umano ang neurosurgeon dito sa Pinas.

“Hindi po ganun karami ’yung mga neurosurgeons dito. Plano kong bumalik dito,” saad ni Gilbert

Loading...