Anak ng Mag-Asawang Tanod at Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude

Kahit subrang krisis at maraming nahihirapan sa panahon ngayon, ay kahanga-hanga pa rin na makikita ang mga kabataan na nagsusumikap na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.

Kagaya na nga lamang na binatilyo na si Johnrick Art Cantindoy Orense na anak ng mag-asawang Tanod at Kasamabahay, na kung saan kahit subrang hirap ng kanilang buhay ay napagtagumpayan niya na makamit ang kanyang mga pangarap.

Dahil sa pagsisiskap at determinasyon ni Johnrick ay naging Cum Laude ay nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.

Ayon kay Johnrick, sa TESDA (Techinical Education and Skills Development) lamang siya nais pag-aralin ng kanyang mga magulang dahil hindi nila kaya ang gastusin at matrikula kung 4-year course ang kukunin niya sa kolehiyo.

Dagdag pa niya, naging matigas ang kanyang ulo at sinuway niya ang kanyang mga magulang at pinili niya na sundin ang kanyang kagustuhan na mag-aral ng 4-year course.

“Pero matigas ulo ko. Hindi ko sinunod yung utos niyo. Pinili ko mag-aral kaya heto ang resulta,” saad Johnrick.

Ayon ni Johnrick na naging isang magandang desisyon ang pagsuway niya sa kanyang mga magulang na pag-aralin sa TESDA. At ang desisyon na’yun ay napagtagumpayan niya na makatapos ang kanyang kurso.

Dahil sa kahirapan at kulang finansyal sa kanyang pag-aaral ay gumagawa siya ng logo ng mga student organizations, painting at speaker sa mga workshop upang may pandagdag sa mga gastusin.

“Gumagawa din po ako logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops (related to art),” saad ni Johnrick.

Sobrang proud at masayang-masaya ang mga magulang ni Johnrick sa nakamit niyang tagumpay. Si Johnrick nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Journalism, na may parangal na Cum Laude.

Payo ni Johnrick sa mga kabataan na nangangarap na nais matupad ang kanilang pangarap sa buhay, ay laging isa-isip na hindi kailaman magiging hadlang ang kahirapan sa katuparan ng pangarap basta patuloy mo lang itong pagsumikapang tuparin. Dahil walang imposible sa taong may tyaga at determinasyon sa buhay.

“This is not to boast my achievements. Rather, I am posting this to inspire and motivate everyone who think they can’t. Always think that financial constraints is not an excuse. Just like you. I am an ordinary person but I chose to do things extra ordinary. A friendly reminder that poverty is never a hindrance to success and everything you aspire and dream of will always be possible with faith”, pagbabahagi nga ni Johnrick sa kanyang Facebook.


Loading...