Anak ng lalaking naglakad mula Bulacan papuntang Bicol, pumanaw na

Matapos mag-viral sa social media si Joven Opeña noong nakaraang linggo dahil sa paglalakad mula Bulacan papuntang Bicol upang mapuntahan sa ospital ang maysakit na anak, usap-usapan muli siya ngayon dahil pumanaw na ang kanyang anak.

Na-ospital ang anak ni Joven sa Bicol. Dahil nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon at wala ng masakyan pang bus, napagpasyahan niyang maglakad na lamang patungong Bicol.

Photo courtesy: Joven Opeña/Facebook

Sa tulong naman ng ating mabubuting kababayan, may nagpasakay kay Joven hanggang makarating sa kanyang paroroonan.

Ngunit isang malaking dagok muli ang kinakaharap ni Joven ngayon matapos niyang ibalitang pumanaw na ang kanyang anak.

Photo courtesy: Joven Opeña/Facebook

Labis na nagdadalamhati ang kanilang pamilya ngayon sa pagyao ng kanilang anak.

Makikita sa kanyang mga larawan na nasa tabi lamang ng kabaong ng anak si Joven, nagbabantay at nakasilip sa anak.

Photo courtesy: Joven Opeña/Facebook

Naglabas ng hinagpis si Joven sa kanyang Facebook account kung gaano siya nasasaktan sa kinahangtungan ng kanyang anak.

Sa kanyang post, sinabi niyang sisikapin nilang magpapakatag sa kabila ng pagkawal ng anak at mahal na mahal nila ito.

Anak sana nga panaginip lng ang nkkitaq pero maskit tlaga tanggapin na totoo na pala na iniwan muna c papa c mma saka c kuya xshann.. Gwapo muparin baby nmin ni mama. Surie ulit pu ha?? Love na love ka ni papa pu ilove you.. MAGKIKITA TAYU ANAK HA?? ANTAYIN MUPU PAPA.. PPILITIN NAMIN NI MAMA MAGPAKA TATAG PARA SA KAPATID MU PU ILOVE YOU ULIT SALAMAT SA MAGGANDANG ALA ALA…”

Loading...