Anak, nagbigay-pugay sa sakripisyo ng yumaong ama na isang tricycle driver

Proud na proud ang isang dalaga na ibida ang kanyang tricycle driver na ama dahil napagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo at naipagamot din ang mga kapamilyang tinamaan ng matinding sakit.

Umani ng maraming papuri at shares ang post ni netizen Jan Marini Capacio matapos niyang ibahagi sa kanyang social media ang kadakilaan ng kanyang yumaong ama.

Aniya, malaki ang naging sakripisyo ng kanyang ama para lang mapagtapos sila sa kanilang pag-aaral.

Photo courtesy: J Capacio/Facebook

Bunsong anak si Jan. Ikwenento niya ang hirap at pagsisikap ng kanyang amang si Nomeriano Capacio para maipon ng pera mula sa pamamasada at suma-sideline rin umano ito bilang dispatcher sa madaling araw.

Photo courtesy: J Capacio/Facebook

Nang mga panahong iyon ay nagkaroon siya ng bone tumor at na-stroke ang kanyang ina. Kaya naman todo kayod ang kanyang ama para may pampagamot sa kanila at pantustos sa kanilang pangangailangan.

Taong 2018 nang magtapos si Jan sa Lyceum University of the Philippines na ginawaran ng excellence award ng pamantasan. Pero noong 2019 ay pumanaw si Tatay Nomeriano dulot ng heart attack.

Photo courtesy: J Capacio/Facebook

Basahin ang buong post ni Jan Marini:

Hi Buknoy,
Eto yung pangarap na tinupad ng tricycle driver kong tatay.
Kita mo yang ukab sa kamay ko? Nagkaron ako ng bone tumor dati, kasabay ng pag aaral ko, pinapagamot rin ako ni tatay. Tatlo din pala kaming pinagtapos nya ng kolehiyo. Halos di na yan umuwi dati kakapasada
.

Hindi mo alam ang nasa likod ng araw araw nilang pagbibilad sa init at alikabok ng lansangan. May mga pangarap silang tinutupad, buknoy. Mag aral ka pa, marami ka pa dapat matutunan.

PS. Ang pogi ni tatay dito, happy birthday in heaven tay! Saglit mo lang naranasan ang katas ng lahat ng pag hihirap mo, pero alam ko masaya ka na dyan na nakikita kaming maayos. Gabayan mo din tong si buknoy tay, nawa’y tumuwid na ang isip nya.

Loading...