Ama na hindi kayang bumili ng bagong bag, ginawan ng bag ang anak

Iba talaga magmahal ang mga tatay dahil dumidiskarte rin para lang maibigay sa anak ang pangangailangan nito. Kaya naman naantig ang mga netizen ng kwento ng isang batang lalaki na pumasok sa paaralan gamit ang bag na gawa mismo ng kanyang ama.

Ang post ay ibinahagi ng gurong si Sophous Suon kung saan umani ito ng maraming positibong reksyon mula sa mga netizen. Naantig ang mga netizen ng malamang ang bag na gamit ng batang si Ny Keng, 5 anyos ay gawa mismo ng kanyang tatay.

Gamit gamit ni Ny sa paaralan ang kulay asul na bag na gawa sa raffia string. Ayon kay Suon ang tatay ng bata ang nagtahi ng bag na iyon.

Credit: Sophous Suon / Facebook

Nag-aaral ang bata sa Lumphat Primary School sa Battambang, Cambodia. Dahil hindi umano kayang bumili ng bagong bag ang ama ni Ny kaya gumawa na lamang ito.

Kwento ng guro, nasabi umano ng nanay ng bata na sa Thailand pa niya nakuha ang bag dahil kasalukuyang doon nagtatrabaho ang tatay ng bata.

Ang bag ay gawa sa raffia string. May itim itong na strap at plastic na lock para maisara ang bag.

Credit: Sophous Suon / Facebook

Hindi lamang ang guro ang na-touch sa effort ng ama ni Ny, kundi pati mga netizen. Marami ang naka appreciate paggawa ng bag ng tatay dahil ipinakita nito kung gaano niyo kamahal ang anak.

Hindi man niya mabili ang lahat na gusto ng anak ngunit kaya naman niyang ibigay na siya mismo ang gumawa. Nagsisikap rin ang tatay ng bata para makapag-aral ang anak sa kabila ng kahirap4n.

Saad naman ng mga netizen na maaaring gumawa ng bag ang tatay ng bata at ibenta ito upang may pandagdag kita sila.

Loading...