Alagang aso ng grade 9 student, matiyagang namamalimos sa tabi ng among nag-aaral sa daan

Umagaw ng atensyon ng netizen ang isang aso na namamalimos sa kalsada kasama ang among binatilyong na nag-aaral.

Umantig sa damdamin ni netizen Ian Capoquian ang 16-anyos na binata na si Eddie Aquino kasama ang alagang aso. Sa ibinahaging larawan ay matiyagang nanlilimos ang asong si Blackjack habang ang among si Eddie ay nag-aaral.

Ayon sa post ni Ian, grade 9 student na si Eddie at dahil sa kagustuhang tulungan ang kanyang ama ay dumiskarte nalang ito sa paglilimos.

Hiwalay na umano ang magulang ni Eddie. Ang ina nito ay may pamilya ng ina. Siya at ang dalawa pa niya g kapatid ay naiwan sa poder ng kanyang ama.

Credit: Ian Capoquian/ Facebook

Malaking dagok rin ang kinakaharap ngayon dahil ang kanilang ama ay may iniindang sakit at nanghihina umano ito kaya wala ng kakayahang maghanapbuhay pa. Kaya para makatulong at makapera ay namamalimos si Eddie kasama ang alagang aso.

Ito ang kanyang paraan upang may maiuwing pera at may panggastos sa pang araw araw. Tanging panlilimos lamang ang kaya niyang gawin dahil wala rin umanong kukuha sa kanya siya’y nag-aaral pa lamang.

Tinitiis ng binatilyo ang lamig sa ilalim ng istasyon ng LRT kung saan siya gumagawa ng takdang aralin kasama ang alagang asona si Black Jack.

Ayon kay Eddie, mabait na aso si Black Jack dahil kusa itong lumalapit sa mga tao upang mamalimos. Tila ba at naiintindihan nito ang kanilang kalagayan.

Saad ng netizen na si Ian, tanging hangad lamang niya na matulungan si Eddie at kanyang pamilya.

Credit: Ian Capoquian/ Facebook

Samantala, naantig rin ang mga netizen sa binatilyo. Hanagad nila na marami ring tumulong sa kanya upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang paghihirap.

Basahin ang ilang komento ng mga netizen:

“God bless you always take care.. God will provide all your needs just pray.”

“KAPATID malalagpasan mo lahat yang paghihirap mo.Kapit ka lang sa Diyos.Tandaan mo hindi ka iiwan ng Diyos at hindi ka pababayaan.Sa gitna ng pagsubok lalo ka lang kumapit sa kamay at presensiya niya.May pag asa ka pa wag kang susuko kapatid.”

“I can help him should he really be interested to finish a course in college” “Nakikita ko to araw araw sa tapat nang udm since doon ako malapit nag wowork nag bibigay ako sa knya twing na dadaan ako”

“KMJS please help this boy inspite of his situation he still fighting by showing of his strong determination in life.”

Loading...