Akyat-bahay na nakakulimbat ng P300k, nakikain pa sa pinasok na bahay

Isang bahay sa Subic, Zambales ang pinasok ng magnanakaw at nakapagtangay umano ng halgang P300,000.

Ayon sa ulat, walang tao ang bahay kaya nakuha ng magnanakaw ang mga alahas at mamahaling gamit sa bahay.

Sa labas ng bahay ay mayroong CCTV kung saan may namataang isang lalaki na umaaligid sa bahay.

Hinala ng may-ari na ang lalaking iyon ang nangloob sa kanilang bahay. Walang CCTV sa loob ng bahay kung kaya hindi nakita ang akwal na pagnanakaw.

Nang dumating ang may-ari ng bahay, nakita nalang nila na sira na ang bahagi ng kanilang pinto. Doon lumusot ang lalaki upang makapangnakaw.

Nakuha ng susp3k ang mga alahas, relo at gadget na ang halaga ay aabot sa humigit-kumulang Php300,000.

Ngunit hindi lamang pala nga gamit ang nawala sa bahay, pati na rin ang pagkaing iniwan sa hapagkainan ng may-ari ay nawala rin.

Samantala, mayroon naman nang person of interest ang mga awtoridad lalo na at base sa inisyal na imbestigasyon, dalawang bahay na ang napagnakawan ng kawatang pinaghahanap na sa ngayon.

Panoorin ang buong ulat:

Loading...