Actual footage ng pag-collapse ni Eddie Garcia, nahuli-cam!

36917

Kitang-kita sa isang kuha ang actual na pagkatumba sa taping ng beteranong aktor na si Eddi Garcia ngayong Sabado ng umaga.

Viral online ang nangyari kay Eddie Garcia habang nasa set ng taping sa Tondo, Manila ay bigla nalang bumagsak ang aktor.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pamilya ni Garcia, inatake umano sa puso si Garcia na dahilan ng pagka collapse niya.

Si Garcia ay 90 anyos na, sa kabila ng kanyang edad ay patuloy pa rin siyang namamayagpag sa showbiz industry. at patuloy pa rin siyang nakikita sa pelikula at telebisyon.

Nitong Sabado, biglang isinugod sa ospital si Garcia at nakuhanan na tulong-tulong ang mga tao sa pagbuhat sa kanya.

Sa unang report, na-comatose umano ang aktor at bandang tanghali ay naibalita na bumuti na ang kalagayan nito kaya inilipat na sa St. Luke Hospital.

Panoorin:

Kasalukuyan ng nagpapagaling ang aktor at nagpasalamat ang kanyang pamilya sa lahat. Humiling din sila ng dasal para sa recovery ni Garcia dahil nasa kritikal pa rin umano ito.

“He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care,” pahayag ng pamilya ni Garcia.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers.”

“Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery . . . We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest possible time,” dagdag pa nila.

Facebook Comments