A mother’s love! Nanay, nag-viral matapos tulungan ang anak na mag-isang nagtatrabaho sa Mcdo

6663

Viral ngayon ang isang mabait na nanay kung saan tinutulungan niya ang anak na maglinis habang ito ay busy rin sa trabaho.

Maaming netizens ang napabilib sa kabaitan ng isang nanay kung saan makikita siyang naglilinis ng pinagkainan sa isang kilalang fastfood chain, ang McDonald’s.

Ayon sa nag-upload ng mga larawan na si Rubie Lyn Mendoza , napagdesisyonan nilang kumain ng kanyang nanay sa McDonald’s dahil doon nagtatrabaho ang kanyang nakababatang kapatid.

Image may contain: 1 person, indoor

Ang kanyang kapatid ay isang working student at kasalukuyang nagsa-sideline sa McDonald’s Navotas.

Saad niya nais lang umano nilang bisitahin ang kapatid doon. Ngunit dahil hindi ito magka-uugaga sa dami ng costumer ay napagpasyahan ng kanilang nanay na tulungan ang anak.

Image may contain: one or more people and indoor
Image may contain: one or more people, people sitting, people eating, indoor and food

Nag-iisa lang umanong naka duty ang anak kaya marahil naaawa ang nanay at tinutungan nalang ang anak na magligpit ng kinainan.

Nagulat rin umano si Mendoza sa ginawa ng ina dahil nandoon siya umuorder ng pagkain ng pagbalik niya sa mesa nila ay iyon na ang kanyang dinatnan.

Image may contain: one or more people, people sitting, people eating, table, indoor and food

Sadyang hindi nga daw talaga matitiis ng mga nanay ang mga anak. Isang patunay ito na mahal ng mga nanay ang kanilang anak at tutulong sa oras ng pangangailangan.

Sa post ni Rubie Lyn Mendoza, saad niya na ipinagmamalaki niya ang nanay sa sobrang bait.

“I have a working student sister then we decided to eat sa store nila sa Mcdonalds navotas pra din bisitahin sya hahaha then pagdating namin sabe nya isa lng daw syang nakaduty na crew sa lobby eh daming customer haha pag kaorder ko ng food nmin gulat ako si Mama nag bubuss out na din #ProudDaughterHere,” saad ni Mendoza.

Ang post ay umabot na ng 10 thousand shares at nasa 20 thousands reaction.

Narito at basahin ang nakakatabang komento ng mga netizen:


Commented on Rubie Lyn Mendoza s public post

Commented on Rubie Lyn Mendoza s public post

Facebook Comments