A mother’s love! Nanay, binilhan ng bagong cellphone ang anak mula sa kanyang kinita sa palengke

Maraming napabilib at pumuri sa isang nanay matapos mag-viral online ang larawan kung saan binilhan ng nanay ng bagong cellphone ang kanyang anak.

Umabot agad sa 82,000 ang share at 117,000 naman ang reaction ng naturang post.

Ang larawan ay ibinahagi ni netizen Mico Tan, kung saan naaktuhan niya ang masayang tagpo ng mag-ina.

Photo courtesy: Mico Tan/Facebook

Ayon kay Tan, binilhan ng nanay ng bagong cellphone ang anak mula sa kaniyang kinita sa pagtitinda sa palengke.

“Kanina nasa sm munti ako nag aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung anak nya ng cellphone. Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother’s love.”

“Ps: kilala ko na wag na kayo magalit hahahahah”

Photo courtesy: Mico Tan/Facebook

Isang masayang tagpo kung saan makikita ang totoong pagmamahal ng isang nanay sa kanyang anak.

Nakuhanan ni Tan ang tagpo sa labas ng isang mall sa Muntinlupa City.

Photo courtesy: Mico Tan/Facebook

Samantala, umani rin ng samu’t-saring reaction ang naturang post mula sa mga netizen. Bagama’t maraming natuwa, mayroon ring ilan na minasama ito.

Ani nila baka gamitin lang umano ng anak sa online games ang cellphone at hindi sa pag-aaral.

Basahin ang ilan sa mga komento:

Alvin Joseph Veneracion, “May both of them be blessed. Ramdam ko rin yung saya ni Nanay para sa anak nya. Ang sunod na problema nila ay kung paano matustusan na magkadata lagi. 🙁 Pero sigurado akong gagawan ni Nanay ng paraan yan. Ganyan talaga ang mga magulang. ❤️

Jeff Salayon, “Nanay nga naman kung pwede Lang aabotin ang Bituin sa langit gagawin ng mga nanay para sa kanilang mga anak. Peru ang anak pag nagka isip na at sa tingin nila kaya na nila buhayin ang sarili nila basta basta nalang tatalikuran ang mga magulang minsan bastosin pa At saktan yung iba jan nag aadict bigyan pa ng sakit ng ulo ang mga magulang hays”

Ashleigh Dynniel, “Sana gamitin Nya sa tama,wag sa kalokohan 😉,Sana mag Aral den sya ng mabuti.”

Marissa Araneta, “I truly feel for low income parents who have to get gadgets for their kids. wish I was a billionaire.”

Loading...