90 kilos na yellowfin tuna, nahuli ng tatlong mangingisda sa Romblon

Sagana marahil ang dagat sa Romblon dahil sunod-sunod ang mga nahuhuling isda sa lalawigan ng Romblon.

Nitong Linggo, nakahuli na naman ng isang malaking yellowfin na isda ang tatlong mangingisda.

Ang isda ay umabot pa sa bigat na 90 kilos. Kaya naman tuwang-tuwa ang tatlong mangingisda na taga Barangay Agtiwa, San Fernando sa Sibuyan, Romblon.

Photo courtesy: Jessa Royo/ Facebook
Photo courtesy: Jessa Royo/ Facebook

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Jessa Royo, isang pambihirang pagkakataon na makahuli ang mga mangingisda ng ganitong kalaking isda sa kanilang lugar.

Nitong Enero lang rin ng maibalita ang pagdagsa ng maraming isdang piyat at tolingan sa Barangay Sawang, Romblon.

Photo courtesy: Jessa Royo/ Facebook

Pinagpyestahan rin ito ng mga residente dahil sa nag-uumapaw ang mga isda sa kanilang bayan.

Photo courtesy: Jessa Royo/ Facebook

Sadyang sagana talaga sa yamang-dagat ang Pilipinas. Kaya naman napakalaking biyaya na kung sakaling nakakuha ng ganyan kalaking isda.

Loading...