90 anyos lola na cancer survivor, COVID-19 survivor na rin

Nakaabang sa labas ng ospital ang pamilya ng 90 anyos na lola matapos siyang gumaling sa COVID-19.

Tuwang tuwa ang pamilya ni lola Natalia Vicente dahil sa wakas makakauwi na siya sa kanilang tahana sa Barangay West Kamias sa Quezon City.

Sa kabila ng kanyang edad ay nalagpasan ni lola ang coronavirus. Hindi umano akalain ni lola na malalagpasan niya ito.

Nagulat si lola dahil nakaabang na pala ang kanyang pamilya sa labas ng ospital upang sundiin siya.

Ang apo ni lola na si Beng Vicmundo ay labis ang galak. Aniya, noong 2013 ay na-diagnosed ang kanyang lola na mayroong colon cancer ngunit nalampasan niya ito.

Kaya naman malaki rin ang kanyang pananalig na malalampasan rin ng kanyang lola ang COVID-19.

Nanatili si lola Talia ng 44 na araw sa Philippine Heart Center upang makipaglaban sa naturang sakit.

Pinasalamatan rin ni lola ang mga frontliners na nag-alaga sa kanya sa ospital.

Panoorin ang buong ulat:

Loading...