89-anyos na lola, nagbebenta ng basahan para sa kanyang mga apo

Naantig ang damdamin ng mga netizen matapos ibahagi ng isang netizen ang isang lola na kumakayod pa rin sa kabila ng kanyang edad.

Upang mas marami pang tumulong, naisipan ng isang concerned citizen na si Kathrina na i-post online ang larawan ni Lola Porferia aka Lola Ibyang habang nagbebenta ito ng basahan sa kahabaan ng Daang Hari SB malapit sa T-intersection sa Commerce Ave, Alabang.

“Christmas is the season of giving. Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren.”

Ayon kay Kathrina, 89 anyos na si Lola Ibyang ngunit nagsusumikap pa rin ito upang may ipantustos sa kanyang mga apo.

Photo courtesy: Kathrina/ Facebook

Simula noong 2015 ay kilala na umano niya si Lola. Kaya naman umaasa siya na sa pamamagitan ng kanyang post ay mas marami pang tumulong kay lola at magpaabot ng kahit munting tulong man lang dahil magpapasko.

Hinikayat ni Kathrina na kung maaari at mapadaan ang mga netizen sa kinaroroonan ni lola, ay sana’y bumili sila ng basahan sa halagang P100. Aniya, maaari ring kumustahan nila si lola at tiyak mapapasaya na nila ito.

Photo courtesy: Kathrina/ Facebook
Photo courtesy: Kathrina/ Facebook

“Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos. 20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier,” saad ni Kathrina.

“You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face,” dagdag pa niya.

Ayon kay Kathrina, nag-private message daw siya kay The Hungry Syrian Wanderer aka Basel noong nakaraang buwan pa upang tulungan si Lola Ibyang. At sa wakas, tumugon umano sa kanya ang vlogger.

Basahin ang kanyang buong post:

Christmas is the season of giving.

Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren. We’ve known her since 2015 and she still remembers us. Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos. 20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face. ❤️

Please share lola’s story. Let’s make this viral! ??

Alabang Bulletin
South Snippets
TigaSouth Ka Ba

UPDATE: Sent a PM to The Hungry Syrian Wanderer aka Basel last November 5th. I got a reply from him yesterday and sent lola’s latest photos!!! Let’s hope he can visit lola soon! ? 

Photo courtesy: Kathrina/ Facebook

Samantala, sa panibagong update ni Kathrina. Hinikayat niya ang mga netizen na huwag husgahan ang pamilya ni Lola Ibyang.

Giit na sana’y alamin muna ng publiko ang kanilang kwento bago magbitaw ng masasakit na salita dahil nasasaktan rin sila.

Dagdag pa niya, tumulong na lamang ang gustong tumulong at huwag ng batikusin pa ang pamilya ni lola.

UPDATE: One of lola’s apo messaged me asking everyone to hear their side. I have been seeing comments from people judging lola’s relatives for letting her work. Please read see our chat screenshots below and hope that it will help clear lola’s relatives from all the bashing.

“Bumping this. Please see update. Again, wag na sana mambash ang mga tao. Kung gusto tumulong, tumulong nlng na wala nang maxadong madaming hanash. Tsk!”

Loading...