84-anyos na lola, kumakayod parin sa pagtitinda ng basahan sa kalye para mabuhay ang sarili at anak na PWD

Viral ngayon sa social media ang video ng isang senior citizen na lola kung saan ay nagtitinda ito ng mga basahan sa mga motorista.

Si Lola Aida ay 84 anyos na ngunit kayod-kalabaw pa rin ito upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pang araw-araw ng kanyang anak.

Ang vlogger na si Denso Tambyahero at kasamang si Erica ang nakakita kay lola Aida. Kaya naman kinapanayam nila ang matanda tungkol sa buhay nito at kung bakit kumakayod pa rin ito kahit matanda na.

Ayon kay lola, malakas pa naman siya at wala pang nararamdamang sakit sa kabila ng kanyang edad. Binubuhay niya ang sarili at ang kanyang anak na wala umano sa katinuan.

Credit: Denso tambyahero / Facebook

Sila lang ng kanyang anak ang magkasama ngayon. Ang iba pa umano niyang anak at kamag-anak ay nasa Bacolod. Nakikipagsapalaran siya sa Maynila na silang dalawa lang ng kanyang anak.

Maliit lamang kada araw ang kanyang kinikita at pinagkakasya lamang niya ito at minsan ay kulang pa pambili ng bigas. Kagaya na lamang ng araw na iyon ay P30 lang umano ang kanyang kita kulang pa para pambili ng isang kilong bigas.

Sinabi naman ni Denso na papakyawin ni Erica ang paninda ni lola upang makauwi na ito ng maaga. Nasa P50 na lang umano ang halaga ng naiwang basahan. Ngunit mahigit pa rito ang natanggap ni lola dahil binigyan siya ni Erica ng P2,000 na bayad.

Credit: Denso tambyahero / Facebook

Laking pasasalamat naman ng matanda dahil malaki ang kanyang maiuuwing kita. Saad ni lola na makakatulong umano ito upang may puhunan siya sa pagbebenta ng basahan.

Pinuri ng mga netizen ang kabaitan ng mga vlogger dahil deserving ang mga gaya ni lola na nakakatanggap ng tulong. Sa kabila ng kahirapan ay nagsusumikap sila at naghahanapbuhay ng marangal hindi gaya ng iba.

Samantala, sa part 2 ng video ay makikitang binisita nila Denso ang tirahan ng matanda. Nakita nila ang kalagayan nila doon kung saan sa kanilang munting tahanan ay magkatabi lang ang kanilang lutoan, labahan at tulugan.

Credit: Denso tambyahero / Facebook

Nakilala rin nila ang anak na lalaki ni lola. Nagpaabot sila ng tulong financial sa matanda na nakalagay lang sa isang envelope at nagbigay rin sila ng isang sakong bigas. Napakalapad ng ngiti ni lola ng tanggapin ang regalo ni Denso kasama ng kanyang grupo.

Todo pasasalamat si lola at nakatanggap siya ng biyaya mula sa kanila. Nangako naman si Denso na kapag may pagkakataon ay dadalawin ulit nila ang matanda.

Loading...