83-anyos na lola, humingi ng P5 sa isang rider dahil sa sobrang gutom

Labis na naantig ang isang vlogger sa isang 83-anyos na lola kung saan ay humingi ito sa kanya ng P5 dahil nagugutom na umano ito.

Agad na ang-viral online ang video na ibinahagi ni Denso Tambyahero dahil sa nakakaawabg kalagayan ng lola. Kaya naman tinulungan at binigyan ni Denso ang matanda ng isang latang biskwit at limang daang piso.

Saad ni lola, nagugutom na siya kaya lumapit na siya sa rider upang makahingi ng pera.

Napakaswerte ni lola dahil saktong si Denso ang kanyang nilapitan. Hindi siya nabigo, nagkus isang biyaya pa na magkrus ang kanilang landas.

Credits: denso tambyahero/ Youtube

Kwento ni lola, byuda na siya at nag-iisa na lamang sa kanilang tirahan. May mga anak umano siya ngunit lahat sila ay iniwan siyang mag-isa.

Saad pa ni lola, may nag-aabot naman daw sa kanya ng tulong. Kaya pumupunta siya sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon at ipagdasal ang mga tumutulong sa kanya.

Credits: denso tambyahero/ Youtube

Nagpasalamat naman ang isang kalaki na kasama-kasama ni lola. Ito umano ang tagahatid sa kanya sa tuwing lumalabas siya.

Labis naman na nalungkot at naawa ang mga netizen ng marinig ang kwento ni lola. Nasaktan rin sila na iniwan si lola ng kanyang mga anak na nag-iisa.

Credits: denso tambyahero/ Youtube

May ilan na nagalit pa dahil sa pang-iiwan ng mga anak kay lola.

Saad ng mga netizen, kahit mahirap umano ang buhay ay huwag sanang pabayaan na lamang ang kanilang ina.

Hiling rin nila kay Denso na sana’y matulungan pa niya si lola na lalo pa at matanda na ito at namumuhay na lamang mag-isa.

Loading...