8 magkakapatid, napagtapos ng kolehiyo ng magulang nang dahil sa pagsasaka

Maituturing na isang family goals ang makapagpatapos ng anak, hindi lang isa, hindi dalawa kundi walong anak.

Sa pagsusumikap at pagtitiyaga ay napagtapos ng mag-asawang magsasaka ang kanilang walong anak sa kolehiyo.

Isang karangalan na ang makapagtapos ka ng isang anak, ngunit isang biyaya naman ang makapagpatapos ng maraming anak.

Ito ang kwento nina tatay Diosdado at nanay Libelita Cataraja na taga San Remigio, Cebu kung saan naigapang nila at napagtapos nila ng kolehiyo ang kanilang walong anak.

Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook

Tunay ngang walang kapantay ang sakripisyo ng magulang sa kanilang mga anak para lang maibigay ang kanilang pangangailangan.

Hindi biro ang mag-aral ng maraming anak, lalo pa at mahal ang tuition fee at marami pang gastusin sa paaralan. Ngunit hindi ito naging hadlang kina tatay Diodado at nanay Libelita.

Si Tatay Diosdado at nanay Libelita ay pagsasaka ang hanapbuhay na siyang dahilan nakapagtapos ang kanyang walong anak sa kolehiyo.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng kanyang panganay na anak na si Jovy Cataraja-Albite dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay itinaguyod sila ng kanilang mga magulang.

Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook

“Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days,” saad ni Jovy.

Ikwenento ni Jovy kung gaano siya nagpapasalamat sa kanilang magulang dahil hindi sila pinabayaan at kahit hikahos sila sa buhay ay nagsisikap pa rin ang mga ito.

Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook
Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook

Nagpasalamat rin siya sa kanilang magulang sa pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang harapin lahat ang hamon sa kanilang buhay.

“There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too. Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up,” sabi ni Jovy. 

Kahit na umabot sila sa punto na halos wala silang makain sa pang-araw-araw ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang kanyang mga magulang.

Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook
Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook

Saad pa ni Jovy, malaki rin ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil ginabayan at hindi sila pinabayaan.

“Pray, work, believe and it will be given unto you.”

Nagpalasamat rin siya sa lahat ng tumulong sa kanila lalong lalo na noong sa panahong hirap na hirap sila. Aniya nasusklian na rin nila ang hirap at pagsisikap ng kanilang mga magulang.

Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook
Photo courtesy: Jovy Cataraja-Albite / Facebook

Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It’s payback time now(dears parents),” saad niya.

Hinikayat rin ni Jovy ang lahat na huwag bumitaw s akanilang mga pangarap at magsilbi sanang inspirasyon ang kanilang kwento.

May pagmamalaki rin niyang sinabi na magsasaka ang kanilang magulang.

“May our story be an inspiration to others for not giving up on their dreams…PROFESSIONALS nami tanan walo mi kabook ug proud mi nga FARMERS among parents!”

Loading...