8-anyos na batang babae, nagsilbing nanay sa 4 na kapatid; Ina, may malubhang sakit at Ama, nagtatrabaho sa laot

Isang malaking responsibilidad ang nakadagan sa balikat ng 8 taong gulang na batang babae dahil siya ngayon ang nagsisilbing magulang ng kanyang mga nakababtang kapatid.

Sa murang edad ay kinakaharap na ng batang si Jenny Barobo ang responsibilidad s apag-aalaga ng kanyang apat maliliit na kapatid.

Wala siyang mapagpipilian dahil ang kanyang nanay ay nakaratay ngayon sa kama dahil sa malubhang sak!t at ang kanyang tatay naman ay umaalis upang maghanapbuhay sa laot.

Dahil may paslit pang kapait si Jenny ay siya ang nagtitimpla ng gatas nito. Siya rin ang nagluluto ng pagkaon at nag-iigib ng tubig para sa kanyang mga kapatid.

Kahit sa kanyang nanay ay siya rin ang nag-aalaga dahil hindi rin nito maalagaan ang sarili.

Ayon kay Jenny, bilang panganay ay siya ang nagpapakain at nagpapaligo sa kanyang mga kapatid. Kahit sa paglilinis ng bahay ay siya rin ang gumagawa.

Aniya, nahihirapan umano siya ngunit wala namang iba na gagawa nun. Ngunit masaya pa rin daw siya na nakakatulong sa kan ayang nanay.

“Nahihirapan din po. Masaya ako na natutulungan si Mama,” saad ni Jenny.

“Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili niya, para kami naman ang alagaan niya.”

Natulungan na ng isang blogger na si Virgelyncares ang pamilya ni Jenny. Ang kanyang nanay na si Jewel ay binigyan ng pera para maipagamot ang kanyang sak!t.

Napag-alaman nila na kulang siya sa nutrisyon at kailangan na lamang niya ay magpahinga at magpagaling.

Malaki rin ang pasasalamat ni Jewel sa tumulong sa kanilang pamilya at sa kanyang anak. Napaiyak si Jewel dahil batid niya ang hirap ng kanyang anak ngunit kinaya nito ang responsibilidad sa murang edad pa lang.

Loading...