78 anyos na lola, hinangaan dahil sa pagbebenta ng recycled wallet at pansalo sa ulo

Sa kabila ng kanyang katandaan ay hindi ito hadlang sa isang 78 anyos na lola. Viral sa social media ang isang lolang nagbebenta ng wallet at pansalo sa ulo.

Sa murang halaga ay binibenta niya ng 38 pesos ang wallet na gawa sa recycled na plastic.

Nakapwesto ngayon si lola sa may Batasan Commonwealth sa Quezon City. Kaya nanawagan ang isang netizen na kung maaari ay suportahan si lola sa kanyang ibinibenta.

Ang post na ibinahagi ni netizen Teodoro Lazuna Jr. ay umani na ng maraming share at reaction.

Photo courtesy: Teodoro Lazuna Jr./Facebook
Photo courtesy: Teodoro Lazuna Jr./Facebook

As of posting nasa 32,000 share at 19,000 reactions na ito.

Sa larawan ay makikitang nakapwesto si lola sa may dula ng footbridge at nakatayo lamang. Mabuti na lamang ay nakasuot ito ng face mask at face shield ngunit peligroso pa rin ito dahil sa edad niya na madaling kapitan ng sakit.

Maraming netizen ang natuwa sa pinapakitangkasipagan ni lola. Bagamat ay may nababahala rin dahil sa pandemya ngayon.

Sa mga nais tumulong may binigay na numero ang isang concerned netizen upang ma-contact si lola.

Basahin ang buong post:

Good day po. Pakisuportahan po natin si nanay.78 years old pero masipag na nagbebenta sa Batasan sa may dulo Ng footbridge.35 pesos po Ang binebenta niyang wallet. Nagbebenta Rin sya Ng pansalo sa uloIto PO kanyang personal na numero09612533167Batasan Commonwealth PO sa Quezon CityNanghingi ako ng permiso sa pagkuha Ng larawan para matulungan PO sya sa kanyang tinda.Pakishare po sa marami para masuportahan si nanay.”

Loading...