75-anyos na lolo, nagsusumikap pa rin sa paglalako ng nilagang saging at mais para sa pamilya

Maraming netizen ang naagaw ang pansin sa post ng isang netizen dahil sa post nito tungkol sa isang 75 anyos na lolo na nagtitinda ng nilagang saging at mais.

Sa larawan na ibinahagi ni netizen Karen Juliano-Jimenez, sinabi niya na napahanga siya sa pagsisikap ni lolo dahil kahit umuulan ay nagtitinda pa rin ito.

Ayon kay Jimenez, taong 2010 pa ng una niya g makita na nagtitinda ng saging at mais si lolo. At magpahanggang ngayon ay naghahanapbuhay pa rin ito kahit matanda na.

Photo courtesy: Karen Juliano-Jimenez /Facebook

Naawa siya sa matanda dahil sa kabila ng edad nito ay patuloy pa rin ito sa pagtitinda. Kahit mabasa man ng ulan ay naglalako pa rin si lolo ng paninda.

Makikita sa larawan na tanging tuwalya lang ang takip ni lolo sa kanyang ulo. Bitbit pa nila ang kanyng mga paninda.

Photo courtesy: Karen Juliano-Jimenez /Facebook

Kahit ang mga netizen ay nakaramdam ng awa para sa matanda. Napabilib rin sila sa pagsisiskap ni lolo para sa kanyang pamilya.

Lalo na ngayon at may pandemya ay mahirap ang buhay. Kaya marahil patuloy pa rin ang matanda sa pagtitinda upsng may pangtustos sa pang araw-araw.

Photo courtesy: Karen Juliano-Jimenez /Facebook

Hinikayat naman ni Jimenez ang mga netizen na kung sakaling mapansin nila si lolo sa Pembo, Makati City ay bumili sila sa kanyang paninda.

Basahin ang buong post:

“75 yrs old na si tatay pero hindi tumitigil magtrabaho para sa pamilya. Kahit umuulan at may pandemya, tuloy ang paglalako nya. Simula 2010 ata nung una ko nakita si tatay sa staffhouse nagbebenta ng nilagang saging at mais.”

“Pls kung makita nyo sya dito around sa Pembo, bili kau ng paninda nya. Para makauwi sya agad at makapahinga.May God bless and keep you safe always tatay.”

Loading...