74-anyos na lolo, araw-araw naglalako ng isda upang maitaguyod ang pamilya

Naawa ang karamihan sa mga netizen ng matunghayan nag kwento ng isang 74-anyos na lolo kung saan ay matiyaga itong naglalako ng isda sa kabila ng edad nito.

Bakas sa mukha at kilos ni Lolo Rodrigo na may edad na ito at may kahinaan na. Kaya naman maraming naantig sa kanya dahil nababahala rin sila sa kalagayan ni lolo na ataw-araw nakikipagsapalaran sa kalsada.

Walang mapagpipilian ang matanda dahil kinakailangan niya ring tulungan at suportahan ang kanyang pamilya. Kaya kahit may edad na ay masipag at matiyaga pa rin si lolo.

Credit: David Drahc / Facebook

Marahil ramdam niya ang pag0d sa trabaho ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Araw-araw na naglalako ng isda sakay ang kanyang bisikleta si lolo Rodrigo sa Barangay West Rembo sa Makati City.

Nag-trending ang larawan ng matanda matapos ibahagi ito online ni netizen David Dharc. Hinikayat ni David sa kanyang post ang mga netizen na kapag nakita or nasalubong nila si lolo Rodrigo ay bumili sila upang makatulong sa matanda.

Credit: David Drahc / Facebook

“Sa taga-West Rembo, every morning si tatay naglalako ng isda gamit niya bike. Sana dyan na kayo bumili kasi senior citizen na po siya tsaka medyo less ‘yung presyo niya,”saad sa kanyang post.

Nagbunga naman ang panawagan ng netizen dahil maraming nais na magpaabot ng tulong sa matanda. Isa sa mga nagpaabot ng tulong ay ang grupo ng Quarant!ne Tribute Tips.

Nagbigay ang grupo ng mga groceries na kinakailangan ni lolo. Maraming supplies ang kanilang ibigay upang makapagsimula rin ng maliit na negosyo si lolo kahit nasa kanyang tahanan.

Credit: David Drahc / Facebook

Malaki naman an pasasalamat ng matanda dahil sa mga taong may mabuting kalooban na handang tumulong sa mga kagaya niya. Ayon kay lolo maari rin umano niyang mailako ang ibang paninda dahil sa sobrang dami nito.

Natuwa naman ang marami dahil sa biyayang kanyang natanggap. Kahit papaano ay nakatulong sila upang mapagaan kahit sandali ang buhay ni lolo.

Loading...