70-anyos na Lola, hinangaan matapos ipinamigay ang mga panindang grocery sa kanyang mga kapitbahay

Bumilib ang mga netizen sa isang lola na taga Cainta, Rizal matapos niyang ipamahagi sa kanyang mga kapitbahay ang mga grocery items sa loob ng kanyang sari-sari store.

Agad na nag-viral ang 70 anyos na si Nanay Belina sa social media dahil kanyang pinamalas na kabaitan sa kanyang mga kapitbahay.

Photo courtesy: Marites Edroso /Facebook

Ayon sa News5, maagang nagsara ng tindahan si Nanay Belina para maipamahagi sa kanyang mga kapitbahay ang laman ng kanyang sari-sari store.

Sa mga larawan, mapapansin na hindi kalakihan ang tindahan ni lola.

Photo courtesy: Marites Edroso /Facebook
Photo courtesy: Marites Edroso /Facebook

Bagama’t kahit na maliit lamang ang kanyang paninda ay may laking puso naman si lola para sa kanyang mga kapitbahay.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizen dahil malaking bagay na ang nagawa ni lola upang makatulong sa kanyang kapwa.

Loading...