68-anyos na lola, ipinagpatuloy ang pag-aaral at nakapagtapos ng kursong tourism

Lumipas man ang mahabang panahon ngunit ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ng isang lola ay hindi pa rin nagbabago. Kaya naman ng magkaroon siya ng pagkakataon ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral.

Sa edad na 68-anyos, natapos ni Lola Leonita Sinucbit Cartojano ang kursong tourism management sa Bulacan State University.

Proud naman na ibinahagi ni Lola Leonita ang kanyang graduation photo kung saan nakasuot siya ng toga at kasama rin pala siya sa Dean’s list.

Credit: GMA Public Affairs/ Facebook

Ayon sa GMA news, nahinto si lola sa pag-aaral dahil sa kahir4pan at high school lamang ang kanyang natapos. Mula Camarines Norte ay lumuwas umano siya ng Maynila noong dalaga pa at naghanap ng trabaho.

Una niyang trababo ay namasukan siyang tagapaglinis sa isang restaurant hanggang nalipat siya sa isang beerhouse matapos madiskubre ang kanyang talento sa pagkanta.

Credit: GMA Public Affairs/ Facebook

Namayagpag umano ang kanyang karera sa pagkanta noong dekada ‘70 at ‘80. Kaya naman hindi na nakabalik pa sa pag-aaral sa lola Leonita.

Naging busy siya sa paghahanapbuhay upang matulungan ang kanyang pamilya. Noong tumuntong umano siya sa edad na 64-anyos ay napagdesisyonan niyang bumalik sa pag-aaral.

Ipinagpatuloy ni lola ang kanyang naudlot na pangarap at nag-aral ulit. Kaya naman nitong taon ay nakapagtapos siya ng kolehiyo.

Masayang masaya si lola sa kanyang tagumpay at sa wakas ay naabot rin niya ang pangarap sa haba ng panahong lumipas.

Binati naman ng mga netizen ang tagumpay ni lola. Nagbigay inspirasyon si lola sa mga kagaya niyang hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Pinayunayan niyang hindi hadlang ang edad para hindi makapagtapos ng pag-aaral. Dapat simulan na ang naudlot at magsumikap dahil habang may buhay may pag-asa.

Loading...