66 pawikan hatchlings pinakawalan sa isla ng Boracay

Pinakawalan nitong Enero 10, 2020 sa isla ng Boracay ang 66 olive ridley turtle o mga baby pawikan.

Sa post na ibinahagi ng Movenpick Resort and Spa Boracay, ipinaalam nila ang isang magandang balita kung saan matapos matagpuan noong Nobyembre 5 ang mga itlog ng pawikan ay sa wakas ay napisa na ito.

Photo courtesy: Movenpick Resort and Spa Boracay/ Facebook

Umabot ng 66 baby pawikan ang sabay-sabay na pinakawalan ng nasabing resort.

Photo courtesy: Movenpick Resort and Spa Boracay/ Facebook

Matapos ang 65 na araw ng incubation period ay tuluyan na ring nakauwi ang mga baby turtles sa kanilang tahanan.

Photo courtesy: Movenpick Resort and Spa Boracay/ Facebook

Natuwa at nagpapasalamat naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 6 dahil napangalagaan ng mabuti ang mga itlog.

Ang magkakaroon umano ng itlog ng pawikan sa Boracay ay nagpapatunay na hindi ito panganib para sa mga hayop.

Loading...