65-anyos na lolo, nagtanim ng 10K mangroves para protektahan ang bahay sa bagyo

Sa edad na 65 anyos ay nakapagtanim na ng 10,000 mangroves si Gary Dabasol sa Matalom, Leyte.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, pinagsikapang itinanim ni Dabasol ang mga mangroves ng walong taon upang protekhatan ang kanyang bahay sakaling may dumating na bagyo.

Photo Courtesy of Dan F Niez 
Photo Courtesy of Dan F Niez 

Makalipas ang walong taon ay umabot na nga ng 10,000 mangroves ang kanyang natanim sa likod ng kanyang bahay sa may coastal area.

Dahil sa kanyang pangambang matatamaan ng malalakas na alon ang bahay ay naisipan ng magtanim ng miyapi, pagatpat, at bakawan.

Photo Courtesy of Dan F Niez 

“I’m glad that I was able to inspire people, I hope that they will also follow what I am doing. I also want to contribute to higher marine production by cultivating a spooning area for fish, crabs, and shrimps and other species,” saad ni Dabasol.

Si netizen Dan Niez ang nagbahagi ng kwento ni Dabasol sa social media.

Aniya, marami umanong netizen ang humanga kay Dabasol batay sa kanyang post dahil nakaka-inspire umano ang kanyang ginawa.

“When I posted it, many people reacted especially millennials and praised Tatay Gary for what he did. I think they were inspired, and I hope they are inspired because planting 10,000 mangroves is not that easy.”

“I hope that the government will also help him because what he did is extraordinary. It is not usual for one person to have this kind of initiative,” dagdag niya.

Photo Courtesy of Dan F Niez 

Saad ni Niez, namangha siya ng makitang puno na ng mangroves ang lugar dahil noong huli niyang bisita ilang taon na ang nakakalipas ay tanging dagat lang ang tanaw niya.

Kaya naman hinikayat ni Niez ang mga kabataan na tularan ang ginawa ni Dabasol na nakakatulong na maprotektahan ang kalikasan at mga marine life.

 

Loading...